Addition to Addiction: Blush feat. Nichido True Colors Collection Blush

Kamusta kayong lahat! Susubukan ko lang gawing Tagalog tong post na 'to. Gusto ko lang malaman kung anong kalalabasan.

Tungkol sa bagong dagdag na blush sa collection ko ang blog entry na 'to. Galing sa Nichido Cosmetics ang mga blush at meron akong tatlo. Hindi ko sila nakuha ng isang bilihan lang at yung una kong nabili ay ang una kong ipapakita.

  • Cool Rum
    • Peach shade
    • Bagay sa mga may morenang balat
    • Medyo powdery
    • Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin sa tagalog pero  meron s'yang "Good color pay-off" kahit powdery yung texture nya.
    • Mura lang para sa magandang blush.
Sorry sa pangit na lighting. Pero sinisiguro ko sa inyo maganda tong blush na to.


Sobra akong nag-enjoy sa blush na 'to na nakumbinsi ko ang sarili ko na bumalik at bumili pa kaso dalawa lang yung nagustuhan ko at sila na yung susunod kong ipapakita sa inyo.



Tomato
 

Passionate Red
Gaya ng sabi ko, dahil sobrang nagustuhan ko yung Cool Rum, bumalik ako sa mall para bumili pa ulit kaso dalawa yung nagustuhan ko talaga. And pareho lang sa Cool Rum yung opinyon ko dito sa dalawa.

Alam ko pangit yung ilaw sa mga litratong pinapakita ko ngayon kaya baka ulitin ko tong post na to.

Kung gusto nyong subukan tong blush ng Nichido, mabibili nyo sila sa Watsons, SM Malls. P88 lang sila kayang kaya ng budget at kung suswertihin, pwede pa silang naka-sale.

Grabe, ang hirap pa lang gumawa ng blogpost sa full tagalog. Pero susubukan ko pang gumawa ng mga post sa tagalog. I have to admit, nag-enjoy ako. Haha!

Hanggang dito na lang  tong post na to. Sa susunod na lang ulit! Salamat sa pagbabasa. :)